Mga bulag,...
Madalas nakikita ko sila sa bangketa ng quiapo, sa balintawak minsan sa monumento, .. dati un nung kabataan ako,, sila'y may dalang gitara, amplifier, minsan harmonica, nung iba pa nga sweepstakes.. noon un
Ngaun madalas nakikita ko sila sa gilid ng farmer's, sa victory mall, at sa grand, mga masahista na.. ung iba dumadami sa mga kabataan at ipinagdiriwang ang kaarawan nila pag feb-14..
Mga bulag...
umunlad ba sila? cguro, kasi "rare" na sila sa lansangan, cguro kasi tapos na ang lunch break ng gobyerno,, panahon na ulit ang magpakitang tao..
Kung namamsayal naman ako, nakikita ko sila may kasamang bata sa pagalalay nila sa pagtawid , pagbili o paglimos,, pero mdalas may kasama... sa ibang bansa may asong kasama, sa atin kasi ang mgsa aso nasa baguio na..
Kaya siguro ako'y na curious nung ako'y nakakita ng bulag na nagiisa lang nang ako'y sumakay ng dyip.. Nakita ko ciya nakaupo malapit sa dulo, nagbayad ng bente sinuklian naman ng sapat,, (paano niya nalalaman na tama ang sukli niya, at bente ang binigay nia?)
Dahil sa dalawang tanong na yan minarapat kong pagmasdan siya,, maayos suot nia, para ngang may date,, mga kasing edad ko siguro o mas bata sa akin mid 20's, , may pupuntahan..
Nung bumaba siya ng dyip sinundan ko siya, gusto niyang tumawid,, pero walang tumutulong, gusto ko nga siyang tulungan ngunit baka matapakan ko "pride" niya,, kaya ayon pinagmasdan ko lang siya kasama ang siyam na iba pang "curious" na mga tao sa paligid,, pero sigurado naman ako na tutulungan ko siya pag alam ko kailangan na niya , (ayon sa bystander effect kung siyam ang tao sa paligid malamang mga 9 na segundo pataas bago ko gagawin un..)
Tumawid siya, nakataas ang isang kamay, niya, buti na lang napansin ng mga sasakyan na bulag siya,, at ayon, huminto naman sila,, ung iba nainip binusinahan, tumingin ung bulag para bang sinasabi, "bulag ako, hindi bingi",, at matapos ang limang minutong pagtawid nakatawid na din siya..
Ok na siguro yon, ngunit, nagusisa pa ako, sasakay ata siya,, ang tanong pano?
Tataas niya ang kamay niya,, pag napansin niyag may tumigil sa tapat nia,, sasabihin niyang monumento,, papakiramdaman niya kung ito'y papasakayin siya o hindi,, dalawang bus ang dumaan muntik na nga siya sumakay dito,, buti na lang hindi, pa baclaran baka maligaw siya..
ung ibang dyip titigil ngunit pag sasakay na siya bigla ito kakaripas ng takbo,, muntik na nga siya mahagip...
Gusto ko nang tumulong,, ngunit baka magalit siya..
Pagtapos ng 15 minuto pagaabang, may isang dyip ang tumigil sa harap niya, pag bigkas niya ng monumento, nagsalita ung drayber, "tara, sakay ka", nakakatuwa, may mga tao paring mabuti tama si Kant meron nga..
At may mga tao ding sadyang manunuod lang, parang ako.. (tama ang mga sikolohista)
Ibang-iba ang mundo nila,, superhero nila si daredevil,, umaga nila gabi,, (pag-ibig ba nila e bulag din, cguro sila lang ang may karapatan upang patotohanan na ang pagibig talaga ay bulag).
Minsan, mas ma swerte pa sila,, hindi nila nakikita ang mga kasakiman ng mundo, , sa ganitong paraan nagiging mabuti sila..
Kaw ba,, pipiliin mo ba ang mundo nila?